DEYM.

RSS

Iba’t ibang uri ng groupmates.

malagkitnagalapong:

Masaya tayo tuwing merong groupings para sa isang project o kung ano pa man pero sa umpisa lang ‘yan masaya dahil merong mga groupmates na may kakaibang pag-uugali, ang ilan sa mga ito ay ang:
  1. Leader-leaderan - Hindi naman siya ang leader pero kung makapag-utos ng kung ano ang gagawin akala mo kung sinong magaling.
  2. Free rider - Swerte na kung umattend siya ng first meeting niyo o kaya’y nagtetext kung saan ang meeting pero hindi naman sisipot. Wala lang, walang ginawa pero may grade.
  3. Atribida - Lahat na lang kinontra, ikaw na lang kaya ang gumawa?
  4. Ningas kugon awardee - Wagas kung makavolunteer na siya ang gagawa ng ganito ng ganyan pero pag palapit na ang deadline, walang maipasa.
  5. Sipag king/ queen - Ang katambal ng mga free riders, sila na ang masipag at sila na gumagawa ng lahat. Nung nagsabog ng kasipagan eh sinalo nila lahat.

Sino ka sa kanila?